Animal Print Tumblr Themes

holler it out .

Hi sa puso kong tumitibok. Matapos nitong mawala nang ilang buwan dahil sa pagkapagod umiyak, eto nanaman siyang ngumingiti sa ating lahat. Nakangiti nga ba? O baka iniisip ko lang? Ay. Eto nga pala eh tungkol sa lalaking nakwekwento ko sainyo, yung dancer, yung kagrupo ko, yung alam mo na. Itigil muna natin ang kwento ng first love ko. 

Oo, siya nga yung lalaki na nagaalangan ako, kung pipigilan ko ba tong nararamdaman ko o hahayaan kong matangay ako nito. Kamusta na nga ba kami ngayon? Ayon sa last na kwento ko sa kaniya, sa pagkakaalala ko, nanghingi siya ng ilang araw para iayos ang lahat. I mean, oo break na sila noon pa bago pa ako magtapat sa pagaalangan ko sa pagiging malapit namin sa isa’t isa.Open ako sa kaniya. Sinasabi ko noon sa kaniya ayokong mafall sa kaniya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka mangyari uli sa akin yung nagyari sa past relationship ko, yung ginawa lang akong rebound. Haha! Ansama ko! Hindi siguro rebound, anghaba lang masiyado ng kwento para iexplain kaya sige rebound nalang! HAHA! Sabi niya noon one week daw, pero isang araw palang, wala pa nga ata, nagkaroon agad kami ng communication. Ganoon ba? Hindi namin matiis yung isa’t isa? Kasi ako? yung totoo, namiss ko siya. Pag-ibig na ba yon? Eh balik tayo sa kamusta na kami ngayon?. Ganoon padin. Okay na kami. Dumadating yung time na ioopen ko nanaman sa kaniya na nagaalangan ako sa mga nangyayari. Pero ngayon hindi lang dahil sa ex niya ako nagaalangan (actually less na yun dahil sabi niya nga okay na), pati narin sa nararamdaman naming isa’t isa. Sabi ko nga sa kaniya “Natatakot ako sa tuwing nakikita kong mas nahuhulog ka sakin, dahil ayaw kita saktan” Malinaw din sa kaniya na hindi ko siya sasaktan, i mean yung sasadyain. Mahalaga siya sakin. Alam niya yun. Yung tinutukoy kong ayaw ko siya saktan, yung point na baka umasa siya na magkakaroon kami ng malinaw na relationship kasi ang totoong kinakatakot ko na kapag naging kami maging problema din namin yung naging problema nila ng ex niya. INC siya. Hindi sumagi sa isip ko na igigive up ko yung religion ko. Siguro minsan, pero yung mangyari yon? parang malabo. Malabo dahil sa nanay ko. Paano kasi kung mahal na mahal niya ako? Paano kung mahal na mahal ko na siya? Paano diba? Dadatin din kami sa puntong yun. 

Pero lahat ng pagaalangan ko nabubura sa tuwing nakakausap ko siya, sa tuwing andiyan siya na nagpapanatag sa isip ko. Naiisip ko na paano pag naging kami? Naiisip kong magiging masaya kami. Naiisip ko na dahil parehas kami ng hilig, magkakasundo kami. Naiimagine ko nga na pag naging kami na kahit turuan niya lang ako sumayaw, masaya na eh. Naiisip ko na pag naging kami maraming bonding mangyayari. Naisip ko pa naging kami, magiging masaya ako kasi ngayon palang gusto niya na ako ipakilala sa magulang niya. Naiisip ko na mararanasan ko na yung feeling na kaclose mo yung mga kamad-anak ng boyfriend mo? Actually, nakwekwento niya kasi ako sa mga pinsan niya. Natutuwa nga ako kasi magaganda comment nila. At isa pang actually, tropa ko na yung pinakaclose niyang pinsan. Nagpunta sila dito sa bahay kahapon. Sinama siya ni BOK (si lalaki) sa bahay noong magprapractice kami. We had a great time. Ang masaya pa kasama doon si kuya sa great time. Alam na nga ni kuya na gusto ako ni BOK. Naginuman sila kagabi na halos inabot na nga ng alas singko ng umaga. Naopen daw ni JC/Bok na nakakausap at nakakatext niya nga daw ako. Tapos naopen din ni kuya na mahal na mahal niya daw kami, (kilig) na huwag lang daw kami gaguhin. Sabi naman daw ni JC na oo naman, malaki daw respeto niya sa akin (kilig) at hinding hindi niya daw magagawa yun dahil tropa niya daw si kuya, parang kapatid na nga daw turing niya. Sabay sumingit naman si Jason (pinsan ni JC) “Kapatid? Baka Bayaw” I therefore conclude na alam na ni kuya. :D Hindi ba? Paano ako magaalangan kung ganiyan naman yung malalaman ko? Diba ang sarap sa feeling kapag yung taong gusto mo, gusto din ng kuya mo? :3

Hindi ko alam kung bakit anghilig ko magpost ng napakahabang text post eh kung ako nga hindi mahilig magbasa ng mahahaba. :D


Tagged as: kwento, love,



Danielle Anne J. Tamayo/Nielle / Diane/PCU/Dasmarineño/September 15/
kakambal ko si bunsonganak  visitors  visitors Read the Printed Word!

Following:




Likes:

See more stuff I like