Eto yung time na kailangan kong kausapin sarili ko. Kasi ang feleling ko, kahit kausapin ko pa lahat kayo, hawak ko parin ang desisyon ko.
Nakakumpleto ka na ng isang araw na hindi siya tinetext (wow) at magdadalawa na mamaya. Unli ka, 2 days pa nga eh diba, pero hindi ka man lang nggm para hindi mo na siya makausap, o makatext. Noong isang araw lang eh kasama mo siya sa Tagaytay, kasama kuya mo, si bes, kambal mo at dalawang tropa ng kuya mo. Nanlibre ka nang makabawi sa pagtuturo ni JC sa inyo ng sayaw at sa hindi pagpapasok ng pesteng guard ng PCU sa kanila noong isang araw. Masaya kayong lahat noon eh. Ulitin ko “LAHAT”. I mean wala yung maaring iniisip ng ibang masaya kayong dalawa ni JC, na para kayong nagdate. Isa yung lakad ng tropa. At actually napansin ko pa nga sainyo na hindi naman kayo masiyado nagkaroon ng time sa isa’t isa. Pero natuwa sila diba? Tinext ka pa nila, nagthank you at nagreply ka na parang hindi mo na naalala na nabadtrip ka sakanya noon. Tinawagan ka niya noong gabi na parang tulad lang ng dati. Nagusap kayo. Unli siya kaya walang hangganan yang paguusap niyo. Wala kayong inaalala na oras kaya hindi kayo nagaalanganin kung paguusapan niyo ang isang bagay dahil wala nga walang limit kaya napunta kayo sa usapang … naghinto nang lahat. Teka ano ba kasing naisip mo? Ano nga ba talaga napagusapan niyo?
Ako ito. Si Nielle. Si Nielle na sasagot kay Nielle na kunsensya ko. Oo, nababaliw na ako. Punyeta naman kasi. Napagusapan namin na .. Shit! Hindi ko na maalala. Hindi ko na maalala kung paano kami napunta sa puntong sinabi kong “Itigil na natin ‘to”
Ano nga ba si JC sa akin? Nararamdaman kong espesyal ako sa kaniya. Inamin niya namang gusto ako. Sinabi niya narin minsan ang “Iloveyou” pero wala akong sagot. Hindi naman ako feelingera para sabihin gusto niya ako kung hindi naman. Yung mga sweet messages, yung mga dula (long messages), yung mga tawag, yung mga text, yung kain ka na ha?, ingat ka, yung mga hilot niya, yung mga bonding time sa bahay, yung pagamin niya mismo sa kuya ko, yun! yun talaga, ramdam ko .. Nakausap ko minsan yung pinsan niya, sabi ng pinsan niya “Hindi naman kami manhid na mga lalaki, nararamdaman niya ding gusto mo siya” which is totoo naman. Sino bang hindi magkakagusto sa pagkasweet niya. Hindi lang siya sweet. Mabait pa. INC siya. Nasabi ko na diba? Noon. Nakakagulat sa tuwing kakain kami ngdadasal kami na hindi naman talaga namin gawain dito sa bahay. Kung maririnig mo siya magdasal, galing sa puso. INC siya, na problema ko nga. Natanung niya ako noong isang araw kung may possibility ba daw na dadating yung araw na magiging selfish ako, na ipaglalaban ko siya, na parang angaga pa para itanong hindi ba? pero kasi nararamdaman niyang sumusuko na ako. Ang pinakamatinding tanong na nagpapintig sa puso ko eh yung “Handa ka bang magpaconvert para sa akin?” na sinagot ko naman agad agad “Hindi. Hindi papayag nanay ko” Hanggag sa dumating na nga sa pagsabi kong “Itigil na natin ‘to” Sana maisip niya na hindi ko kaya. Sana maisip niya na masiyado pang maaga. Sana maisip niyang mahihirapan ako. Sana maisip niya kung bakit ko nagawa ito. Ayoko nang mas lumalim pa ‘tong kunga nong meron sa amin. Yung totoo, hindi naman kami eh, walang “kami”. Hindi ko alam kung anong estado namin. “MU” siguro, Magulong Usapan. Siguro ganun. Ayoko nang mas lumalim pa dahil ayokong masaktan pa. Ayoko yung dadating kami sa puntong maghihiwalay kami kung kelan mahal na mahal ko na siya. Bawal kami sa isa’t isa. Wala akong planong magpaconvert. Unang una, paborito ko ang dinuguan. At ang pangalawa at ang pinakadahilan? Tama na yung ako ng ako. Naisip ko bakit ako nanaman ang magsasakripisyo? Bat ako ang hahabol sa iyo? Bat ako magpapatali sa iyo? Ansama mang pakinggan, pero yun talaga eh. Hindi pa naman kita ganoon kamahal. Hindi pa tayo ganoon katagal nagkasama. Bakit ko agad igigive up ang isang parte ng buhay ko? Bat ko igigive up ang dinuguan? Bat ko igigive up ang pagiging Katoliko ko? Joke lang yung dinuguan ha? Pero favorite ko talaga yun. Ayoko nang masaktan. Ako ang lugi dito. Paano pag iniwan mo ako? Hindi ba’t lugi ako kung nagpaconvert na ako? Haha. Galit na galit ako? Joke. Haha. Pero kasi ayoko na. Tama na yung ako yung magbibigay. Tama na yung ako yung nasasaktan. Sana naman this time, ako naman tong paghihirapan. Ako naman tong susuyuin. Ako naman. Please?
Kamusta? Okay pa ako. Okay pa. :)