LAST NA TALAGA TO PROMISE. AYOKO NA.
WORST VALENTINE’S DAY
Ayon sa last kabanata ng kwento ko, pinaghihiwalay kami ng pamilya ko. Sa takot kong masaktan siya ng tatay kong matso, sinunod ko sila. Sumunod ako na akala mo nakikita nila ang ginagawa ko sa paaralan. may banatay kami si kuya pero alam ko mahal ako ng kuya ko kaya kahit sa mga nakaw na saglit na nakikita niya sa aming dalawa, alam kong hindi niya ako isusumbong, wag lang umabuso. Alam ng kuya ko noon na wala na kami. Isang buwan ko siyang tiniis. Isang buwang walang “kami”. Isang monthsary ang lumipas. Nakita ko siya canteen noon, nakatingin sa akin. Kasama niya mga kaklase niya. Inaasar kami. Napatingin ako sa kaniya, napatitig, nakadama ng lungkot at sabik. Gusto ko siyang batiin noon ng happy monthsary. Pero wala. Hindi ko alam.
Tignan niyo sa kalendaryo niyo ang Feb 13, 2009. Isang malas na araw. Araw yon ng SJAD para magdiwang ng Valentine’s Day. Nakakamiss yung school kasi sa tuwing Valentine’s Day, mapupuno ang room niyo ng puso. Nagkita kami ni Erik sa hagdan, sa dating tagpuan. Iniabot ang munting sorpresa, isang Blue Magic na teddy bear. Di pa uso ‘to noon ang alam ko. Minsan palang makakita ng lalaking magbibigay nito. Pauso palang siguro noon. Nakakangiti na pag binigyan ka nito. Tuwang tuwa ako noon at napaluha. Yinakap ko siyang mahigpit, hinalikan ko pa nga siya dahil miss na miss ko na siya. Tinanggap ko ang regalo at nakita ng kuya ko yon. Medyo masama ang tingin pero wala akong paki. Hindi ko alam kung anong nasinghot ko at napagkatanga ko para iuwi ang regalo niya noon. Nangibabaw ang tuwa sa akin. Nasa isip ko noon. Mahal niya parin ako. YES! Ang iniisip ko noon baka naman maitago ko yon sa nanay ko. O baka maintindihan niyang regalo nalang naman yon eh.
Pagbaba ko ng service, nakita ko si mama. May kausap na babae. Nang makita niya ako, sumama ang timpla ng mukha niya. Tingnan niya akong parang gusto niya na kurutin ang singit ko. Pumanhik agad ako ng bahay na takot na takot. Pumasok ako sa kwarto at umupo sa kama. Naghihintay nalang akong pagalitan noon. Alam ko ng matitikman ko na nag bagsik ng “Friday the 13th”. Pero hindi ko inaasahang magiging tigre ang nanay ko.
“ASAN NA YUNG REGALO?!!”
“Ma! :(( WALA PO! REGALO NIYA LANG YUN, HINDI NAMAN PO KAMI EH.”
Isang deretsong pagtanggi agad ang sinabi ko.
“AKIN NA YAN!”
“MA, WAG PO! :((“
Wala akong magawa noon. Natatakot akong hindi sundin ang nanay ko dahil sa mukha niyang gusot at parang mangangain. Nakuha niya ang regalo. Inilabas ang teddy bear sa bag nito. Nagtangka akong pigilan siya. Humahagulgol na parang akala mo andami nang nangyari. Sabay ng hagulgol ko ay ang paghampas ng nanay ko ng bag ng Blue Magic sa akin. Sa sobrang lakas, eh nasira pa nga ‘to. Ansakit. Pero ininda ko ang lahat dahil nararamdaman ko sakaniyang sisirain niya yung bear. Gigil na gigil ang nanay ko na hawak yung bear. Pumunta sa may likod bahay at naghanda ng posporo. Hinabol ko siya, nagtangkang agawin ang bear sa malatukong kapit niya sa regalo. Nang mahawakan ko ang regalo, sabay hampas ng kamay niya sa mahina kong katawan. Sa sobrang lakas at galit, tumilapon akong parang basahan. Umiyak ako ng umiyak na parang bata. Umiyak ng umiyak hanggang sa marealize ko, wala na akong magagawa. Sunog na yung bear, ang pinakaunang regalo kong natanggap sa isang lalaki. Hindi ako tumigil sa kaiiyak sa kwarto. Makikita mo sa aking hinang hina na ako. Pero hindi pa tapos ang lahat. Pinagluto ako ng Pancit Canton ng tatay ko. Pero hindi ko pinansin. Nagpatuloy ako sa pagiyak. Hagulgol. Sa sobrang inis ng tatay ko, sinampal niya ako. Lumapat sa mukha ko ang malapad at mabigat niyang kamay. Nagiwan ng bakat ang kamay niya sa sobrang galit. Mas lumakas ang hagulgol ko noon at mas nainis siya. Kinuha niya ang cellphnone ko sa aparador na confiscated parin hanggang noong oras na yon. Kumuha ng martilyo at pinukpok ang cellphone. Iba ang bagsik ng “Friday the 13th” sa akin. Maraming nawala. Ansakit pa ng katawan ko. Promise :D
Pero alam niyo bang pinakamasakit? Nagpunta kaming pamilya sa Tagaytay noong Feb 14. Naramdaman kong gusto nilang makabawi sa nagawa nila sa akin. Nakakaiyak dahil kahit sa sobrang galit nila sa akin, naramdaman ko parin yung malasakit nila sa akin. At ang pinaka sa pinaka? Yung nakatanggap ang kambal ko ng gm galing sa First Love ko. Magmamahal na daw siya ng iba bla bla. Angsakit lang. Sana alam niya kung paano ko siya pianglaban. Naging malabo kami noon. Kahit pamilya ko matagal akong nanlamig. Ilang gabing maga ang mga mata ko. Ilang araw akong sawi. Pero mahal ko padin siya. Hindi pa tapos yon doon. Nagpatuloy kami. Patago parin. Nahuhuli pa nga ako minsan ni mama na nakikigamit ng phone. Pero kahit paulitulit niya akong pagalitan. Mahal na mahal ko siya noon.
Natapos lahat yon dahil ayoko na. Nagsawa ako. Malayo siya. Hindi ko kaya. Diyan nagtatapos ang kwento ng First Love ko.