Dapat ito, photo post eh, kaso masiyado akong tinamad magsuot ng maayos na damit. Ayoko naman na makita niyo akong nakasandong red na may yu-gi-oh print pa. HAHA! Damit to nung kuya ko nung 7 years old pa. Pero hindi naman talaga to tungkol doon.
Simula palang ng February 14 e nakangiti na ako. 12:00 mn palang eh kausap ko na siya. At makakatanggap ka pa ng message na ganto? :
“ms. tamayo, dami tlgang nalipad na baboy =) hm happy valentines day po. Be happy today, maya ah? dpat mkpag kta tayo haha i really want to see you, sleeptight and sweetdreams po =** mgphnga na, aga pa gcng mo =) i miss you =****”
One time, magkachat kami noon. Hindi ko na matandaan kung paano, basta tinanong niya kung kailan ko ba daw sasabihin yung “I love you: Ang sagot ko, “when pigs fly”. Eto pa isa:
“danielle anne jaca tamayo , know what? sobrang saya ko =) hm alam mo nung snbi mong mahal mo ko, hndi ko maexplain yung nramdaman ko, words cnt even explain, grbe haha nakakainis ka =) bngyan mko lalo ng dhlan para mas lalo kpng pasayahn, 1 want to be happy, ngaun, bukas, sa susunod na buwan at sa mga susunod pang taon, di ako mppgod na pasayahn ka, kht na minsan sabaw akok haha =) nielle di ko mkklmutan yung 3:50 am, di ko mkklmutn un =) tandaan mo lahat ng snsbi koat tntndaan ko dn lahatng mga snsbi mo, thank you! Hndi sapat tong salita/text na to, ill prove you everything =) its valentines, i want this day to be special, i want you to feel the soul of this day hm dapat everyday is like valentines day, nielle sobrang mahalaga ka para skn, wag ka ng mawawala ha? ganun dn ako =) tama na yung 2 years na nagkahiwalay tayo, knya nga ntn yung 2 years eh, panu pa kaya yung mga susunid pa =) db? ah bsta tandaan mo, npka halaga mo skn. di kta papadapuan ng lamok =) haha happy valentines ms tamayo =**********”
Nobela tawag ko sa mga gantong kahabang text. :D Pero alam mu yon? Nakakakilig pero masiyadong promising ang mga words. Nakakatakot tuloy na baka dumating nalang yung time, iiwan niya na ako, tapos mababasa ko ‘tong post na ‘to. Ansakit naman noon. Nakakadurog ng puso. Parang anghirap na maniwala sa promises. Pero kalimutan natin yan. Hahayaan kong magpatangay ang sarili ko sa daloy ng musika ng puso ko.
Diyan palang busog na ako. Pero dagdagan mo pa ng chocolate cake na gawa pa ng mama ni JC. Hindi ba’t nakakakilig? Antamis ni JC, i mean yung cake. :D Alam nadin ni mama na galing kay “Bok” (kilalang name ni mama kay JC) yung cake. Tinanong ako ni mama kung nanliligaw si JC. “Hindi” sagot ko. Pero ano kaya iniisip ni mama. Tingin niyo? Hayaan mo na. Kumain din naman siya nung cake. :D
Happy Valentines day.