“A day to remember” nakanote sa planner ko yan.
Unli ang mokong at buong magdamag kami nagusap noon. Akala mo walang pasok at hindi na ako pinatulog. Masaya kami noon. Yan din yung araw na binalikan namin yung nakaraan na meron kami. Hindi naging kami, pero may “something” .. (See this posts s s for details) Masiyadong matamis ang mga salita noon ni JC habang kausap ko siya. Masiyado kami sigurong masaya. Nagdasal kami noon habang kausap ko siya. Ako ang taya, ako ang naglead. Nagpasalamat ako kay Jesus for giving me JC. After we prayed, he said thank you as what we, especially him, usually do. Madali kaming makaappreciate sa isa’t isa. Gabi gabi ata kaming nagpapasalamat sa isa’t isa for making each other smile. Overflowing ang happiness ko that time. Para akong nakalaklak ng 1.5 na coke. Nagthank you siya dahil kahit sa prayers, naalala ko siya. I smiled that time. Ang plano talaga noon matutulog na kami kaya nagdasal na kami. It’s almost 3:30 am and alam niyang gigising ako ng maaga to help my mother preparing sandwiches. Then, I suddenly felt strange. Yung feeling ko noon, eh yung ayaw ko na siya iwan. Ayaw ko ibaba yung phone at sabi ko “Eh teka lang!” Gusto ko siya yakapin that time. “ehhh!” ganyan ata hirit ko noon. “Ayaw kita iwan ..” Nagusap pa kami. “NAKAKAINIS KA!” Yang katagang yan may deeper meaning para sakin. I told him before na naiinis ako sa kaniya pag pinapakilig niya ako dahil nga noon pinipigilan ko pa ang mga nararamdaman ko at naiinis ako kapag nakikita ko sa sarili kong hindi ko magawang pigilan. More sweet thoughts. Hindi ko napigilan and damdamin ko noon. naluluha ako nararamdaman ko na. “Nakakainis ka naman eh, JC, naluluha na ako. Hala! Hindi ko alam kung tama pa ‘tong nararamdaman ko eh, Hindi ko alam kung tama pa ‘tong nagyayari” sa tonong naluluha. Wala siyang reaction sa mga nasasabi ko at nakakatawang sinabi niya pa na “Oh easy! Smile” “Hinga!” Tae yan, nakakatawa na nagmomoment ka, gaganyanin ka. Natawa ako habang naluluha. Then ibang feeling na naman nararamdaman ko .. “JC … lumilipad na mga baboy” (One time, magkachat kami noon. Hindi ko na matandaan kung paano, basta tinanong niya kung kailan ko ba daw sasabihin yung “I love you: Ang sagot ko, “when pigs fly”. ) Nanatiling mahinahon siya. Feeling ko noon kung maguusap kami sa personal, nakatingin lang siya sa akin habang ako, hindi mapakali. Pagkatapos ang linya na nakatatak parin sa utak ko hanggang ngayon .. “JC? Hindi ba awkward kung sasabihin kong mahal kita?” Hindi ko mapigilan ang pagbugso ng nararamdaman ko noon. Hindi ko alam kung tamang tinanong ko yun sa kaniya. Hindi ko alam basta lumabas yon sa bibig ko na halos gusto kong lunukin pagtapos. Pero, sumagot siya “Hindi. Bakit magiging awkward? Awkward kung wala namang something sa atin.” Naging mahinahon ang puso ko noon. Pero sasabog na ako kung hindi ko sasabihin yun. “JC, mahal na kita eh” BOOM! Iba yung feeling, promise. Tapos narinig ko siya “Hala, nakakatuwa ka” Sweet blah blahs … “Laging mong tatandaan, mahal kita” BOOOM! Iba ‘to lalo. Yung narinig ko sa kaniyang mahal niya ako. First time kasi. Madalas kasi kapag magA-Iloveyou siya sa text, sasabihin ko “sshh” kaya siguro itinigil niya. KILIG LAMAN LOOB KO. Promise. Then he asked me too remember thise date and time.
Nagulumihanan ako pagtapos. Kapag ba may inalalang date, kayo na?
|