Alam niyang busy ako sa mga panahong ito. Nagsabay-sabay yung gawain ngayon. Meron akong inaasikasong sayaw sa school, hindi lang isa, dalawa pa. Dahil nga “dancer” daw kami, asa sa amin mga gawain. Mabuti nalang at may kooperasyon Eistein. Mahal ko na sila. *smile* At yung pangalawa? yung sayaw namin na lyrical para sa laban din sa susunod na Friday. Dahil MAPEH Club Officer ako, nagaasikaso rin ako ng MAPEH day sa March 2. Sabayan mo pa ng mga nagtatambakan na projects sa school at pagtapos yung nalalapit na paliga ng SK. Isa pang sayaw eh yung sa SOFRESH na sasayawin naman namin sa Conference. WOW.
Pero lahat nang yan nababawasan kapag nakakausap ko siya. Tinutulungan niya ako lalo na sa sayaw. Nahihiya na nga ako sa kaniya. Inaabala ko nanaman siya halos araw araw na parang akala mo andali lang pumunta sa bahay namin at hindi siya nagastos ng pamasahe. Ilang beses kong sinasabi na “Sorry kasi ganto kasi ganyan” pero ilang beses niya lang rin isasagot na “Okay lang. I just want you to be happy” :”> Nakakatuwa. Ansarap sa feeling. Para akong high. Joke.
Ansarap lang na kahit na pagod na pagod ka na sa maghapong gawain, may taong magpapangiti sayo at the end of the day. Hindi lang sa gabi ka ngingiti pati na hanggang sa paggising mo.Si JC yung taong nagpapangiti sa akin. Siya yung taong nagpapagaan at nagpapalakas ng loob ko. Siya yung nagpapakalma sa Danielle na aligaga. Siya yung taong “to the rescue” ika nga. Siya yung laging nagpapaalala saking mag-iingat ako, magpapaalalang ngumiti, magtuturong maging positiibo, magbibigay inspirasyon, magpapaalalang magdasal at ang pinakagusto ko, taong mahal ko at mahal ako.
Pakimessage nalang ako kung nakita niyo panty ko. Laglag panty ko eh.
|